MANILA, Philippines — Tatlong Chinese ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operations at nasamsam ang nasa P3.4 milyong halaga ng shabu sa Angeles City, Pampanga, kamakalawa.
Kinilala ang mga naarestong Chinese na sina Bin Da, 23; Hei Xiao, 21; at Gua Xiao, 20 pawang nanunuluyan sa Shanghai Bldg., Brgy. Balibago, Angeles City Pampanga.
Sa report ng PDEA Region 3, nakatanggap ng impormasyon ang otoridad kaya agad nagsagawa ng berepikasyon at tumagal ng isang buwan ang surveillance hanggang sa maikasa ang buy-bust operations.
Kakasuhan ang tatlong Chinese ng paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay ng Section 26B (conspiracy to sell drugs) ng RA 9165 na isang non-bailable offense.