1 pang benepisyaryo kinaltasan ng ayuda

DSWD probe ikinasa..

MANILA, Philippines — Bukod sa unang reklamo ng isang buntis na umano’y kinaltasan ng cash aid, isa pang panibagong kaso ng isang benepisyaryo ang iniimbestigahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) makaraang bawasan ang kanyang ayuda mula sa ahensiya.

“Unang-una, napakalahaga na makuha natin talaga ang detalye ng insidente na ito, so we could make the necessary investigation. Pangalawa po, we treat this again as an isolated case dahil there’s only one complainant pertaining to the issue. Of course, we cannot generalize that this is happening in the entire region. But then again, of course, gaya ng nabanggit ko, gagawin po natin ‘yung kaukulang imbestigasyon,” sabi ni DSWD Assistant Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Irene Dumlao.

Batay sa report, isang coordinator na nagtatrabaho sa isang local official ang umano’y nagkaltas ng P9,300 mula sa P10,000 ha­laga ng financial assistance na natanggap ng tatlong beneficiaries ng Assistance to Individuals in Crisis Situa­tion (AICS) sa Cagayan de Oro City.

Sabi ni Secretary Dumlao, makikipag-ugnayan ang ahensya sa Field Office nito sa Northern Mindanao, na siya ring nakikipag-usap sa complainants upang asistehan sila sa pagsasampa ng kaso laban sa mga inire­reklamong indibduwal.

“Gaya po ng naging aksyon ng DSWD doon sa insidente ng pagwi-withhold ng cash assistance ng [isang] pregnant woman in Davao, we will do the same dito po sa isolated case na ito dito sa Northern Mindanao. We will assist the clients,” pahayag ni Dumlao.

Nagbabala muli si Dumlao sa mga gumagawa ng pagkaltas sa mga grants na tinatanggap ng AICS bene­ficiaries na kakasuhan ang mga ito kapag napatunayang totoo ang bintang sa kanila.

“We will make sure that the appropriate charges will be filed against the individual who is found to [commit] the withholding ng assistance,” pahayag ni Dumlao.

Show comments