Ina at tiyahin tiklo sa pagbebenta ng sexual video ng anak sa online

Sa halagang P 25,000 kada-transaksyon nakuhang ibenta sa online ng mismong nanay ang 11-anyos na babaeng anak nito sa mga foreig­ner kasabwat mismo ang tiyahin ng biktima.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) Human Trafficking Division ang isang ina at tiyahin ng 11- taong anyos na biktima dahil sa pang-aabuso sa Quezon City.

Sa halagang P 25,000 kada-transaksyon nakuhang ibenta sa online ng mismong nanay ang 11-anyos na babaeng anak nito sa mga foreig­ner kasabwat mismo ang tiyahin ng biktima.

Sa harap ng media, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, nagsimu­la ang bentahan nang malalaswang larawan noong limang taong gulang pa lamang ang naturang biktima.

Sinabi ni Atty. Olga Angustia-Gonzales, nakarating ang impormasyon sa NBI sa modus ng nanay at tiyahin ng biktima mula sa timbre ng isang non-governmental organization na may nag-aalok ng se­xual video recorded content at live sexual shows sa mga foreigner.

Sa isinagawang entrapment operation ng NBI, napatunayang lehi­timo ang pang-abuso sa menor de edad kapalit ng pera.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang mga suspek, at wala rin itong piyansa dahil maituturing na qualified online abuse ang naturang krimen.

Show comments