Scavenger, binaril habang natutulog, tepok

MANILA, Philippines — Tuluyan nang hindi nagising ang isang scavenger nang barilin ng di kilalang suspek habang mahim­bing na natutulog sa isang makeshift waiting shed sa Rodriguez, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Rey Lagunsad Jr., 32, ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, dahil sa tinamong tama ng bala sa hindi tinukoy na bahagi ng katawan. Nakatakas at inaalam pa naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Rodriguez Municipal Police Station, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa isang makeshift waiting shed sa Brgy. San Isidro.

Mahimbing umanong natutulog ang biktima nang bigla na lang lapitan ng di kilalang salarin at kaagad na barilin.

Show comments