Trike driver itinumba ng tandem

MANILA, Philippines — Isang 50-anyos na tricycle driver ang nasawi nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Lupang Arenda Road, Taytay, Rizal, kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Gaylord Pagala, Taytay police chief, na ang biktimang si Joennefer Debardo, 50, ay minamaneho ang kanyang tricycle galing sa Pasig City nang lapitan ng mga suspek na nakamotorsiklo at pinagbabaril, alas-7:30 ng umaga.

Namatay noon din ang biktima at inaalam pa ang mo­tibo sa pagpatay at sino ang mga suspek.

Show comments