Pedicab driver inatado ng taga ng dalawang lalaki

MANILA, Philippines — Todas ang isang pe­dicab driver nang pagtatagain ng dalawang lalaki na matagal na niyang kaalitan, naganap sa Barangay Inabuan, San Francisco, Quezon, kama­kalawa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, alas-6:00 ng gabi habang nagmamaneho ng pedicab ang biktimang si alyas Noel, 49, pauwi sa kaniyang bahay nang harangin ng mga suspek at walang kaabug-abog na pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naisugod pa sa ospital ang biktima matapos ang insidente, subalit idineklara itong dead on arrival.

Show comments