^

Police Metro

Nananatiling mataas ang moral ng AFP sa WPS - Gen. Brawner

Joy Cantos - Pang-masa
Nananatiling mataas ang moral ng AFP sa WPS - Gen. Brawner
Makikita ang mga tauhan ng China Coast Guard na armado ng patalim at tinatakot ang tropa ng pamahalaan na magsasagawa ng resupply mission sa BRP Siera Madre sa Ayungin Shoal, nitong Hunyo 17-
Armed Forces of the Philippines

MANILA, Philippines — Sa kabila nang pangha-harass ng China Coast Guard (CCG) sa Rotation and Resupply Mission sa Ayungin Shoal  sa West Philippine Sea (WPS) na ikinasugat ng walong Philip­pine Navy (PNP) personnel na isa rito ay naputulan pa ng hinlalaki noong nakalipas na Hunyo 17 ay nanatiling mataas ang moral ng Armed Forces of the Philippines (AFP). 

Ito ang tiniyak ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., matapos bisitahin kamakalawa ang tropa ng mga sundalo sa himpilan ng AFP-Westcom sa Puerto Princesa City, Palawan upang personal na alamin ang moral at kapakanan ng mga ito partikular na ang mga nasaktan sa tumitinding harass­ment ng China sa West Philippine Sea (WPS).

“Nakausap ko mismo ‘yung mga personnel natin who were involved in the RORE mission that we just conducted. Nakita ko naman despite the fact na nagkaroon ng ganitong aggression ang China, mataas pa rin ang morale ng tropa,” ayon kay Brawner.

Sa katunayan, sinabi ni Brawner  na ang naputulan ng daliring si Seaman First Class Jeffrey Facundo ay nais muling bumalik sa RORE mission sa Ayungin Shoal kapag gumaling na ang kaniyang sugat.

Ayon kay Brawner, sa kabila ng nabulilyasong pagde-deliver ng supply ay masaya at mataas pa rin ang moral ng Ayungin troops.

Magugunita na noong Hunyo 17 ay naputulan ng kanang hinlalaki si Facundo, matapos banggain ng Chinese Coast Guard (CCG) ang AFP boats na kanilang sinasakyan.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with