Negosyante na tulak ng Ecstasy, tiklo

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga oto­ridad ang isang 26-anyos na lalaki na umano’y notorious na ‘ecstasy’ drug pusher at kilalang orga­nizer ng malalaswang “sex orgy sessions” sa isang buy-bust operation na ikinasa ng National Capital Region Police Office, Special Operations Unit (NCRPO-SOU) nitong Miyerkules ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ang suspek bilang si Jade Christian Regalario, alias Jade ng Brgy. San Isidro, Cainta Rizal.

Sa ulat, alas-7:40 ng gabi nang ikasa ng NCRPO-SOU sa pamumuno ni P/Lt. Michael Maraggun ang buy-bust operation matapos makatanggap ng impormasyon sa kanilang tipster na si Regalario ay nagsasagawa ng kanyang kalakal at inaresto sa parking area ng isang gusali sa Brgy. Ugong, Pasig City at nasamsam dito ang 25 “pinky tablets capsule” ng ecstasy.

Nakalap din ng pulisya sa kanilang tipster na si Regalario ay tulak din umano ng cocaine at kilalang organizer ng ‘sex orgy sessions’ na ang karamihan na kliyente ay mga taga-showbiz.

Kinasuhan si Regala­rio ng paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o’ ang Comprehensive Dangerous Drug Act.

Show comments