^

Police Metro

25k tsuper, PUV operators sasama sa 3-day strike!

Angie dela Cruz - Pang-masa
25k tsuper, PUV operators sasama sa 3-day strike!
Jeepney, UV Express consolidation still at 64.4% ahead of 3-day strike Progressive transport group PISTON protests what it calls the government's "bogus" modernization program which would lead to the eventual phaseout of traditional jeeps.
The STAR / Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Mahigit 25,000 tsuper at operators ng mga pampasaherong jeepney ang nagpahayag ng kanilang intensiyon na makiisa sa ikinasang panibagong tatlong araw na transport strike ng grupong Manibela simula bukas, Hunyo 10 hanggang Hunyo 12.

Ayon kay Mar Valbuena, National President ng grupong Manibela, marami nang Public Utility vehicles (PUV) operators at drivers  ang nagbigay ng intensiyon  na sumama sa kanilang pagkilos  upang iparating sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa panghuhuli ng gobyerno sa mga unconsolidated passenger vehicles.

Sinabi ni Valbuena, hindi pa dapat nanghuhuli ng unconsolidated vehicles ang mga traffic enforcers lalo pa’t may usapan na ang Kamara de Representantes at LTFRB na huwag munang hulihin ang mga unconsolidated vehicles.

Binigyang diin ni Valbuena na kailangang munang mapatunayan na ang 80 pecent ng mga PUVs na sinasabing nag-consolidate ay kayang serbisyuhan ang mala­king bilang ng mga commuters partikular sa Metro Manila.

Aniya, magsasagawa rin sila ng pagkilos sa gusali ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang bahagi ng kanilang pagkondena sa paghuli sa mga unconsolidated vehicles.

Ang consolidadtion ng mga pampasaherong sasakyan ay unang hakbang ng PUV Modernization Program ng gobyerno. Sa ilalim nito, ang mga 15-years old at pababa na mga passenger jeepneys ay aalisin na sa kalsada at papalitan ng mga modernized na pampasaherong sasakyan.

LTFB

PUV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with