MANILA, Philippines — Nakapagtala sa nakalipas na 24-oras ang Bulkang Taal sa Batangas ng phreatic eruption, gabi ng biyernes na tumagal ng dalawang minuto at nagkaroon din limang volcanic tremors na tumagal ng tatlo hanggang 608 minuto.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang naturang aktibidad ng bulkan ay naitala makaraan ang dalawag araw na pagtaas ng degassing activity ng Bulkang Taal.
Bukod dito, nagluwa rin ang bunganga ng bulkan ng 11,072 tonelada ng asupre habang oobserbahan din ang volcanic smog.
Ang pagluwa ng asupre ay mas mababa naman kaysa sa 18,638 tonelada na nailuwa ng bulkan sa nagdaang araw. Mayroon ding 2,400-metrong taas ng plume o tinawag na “voluminous emission” ang namataan sa bulkan na napadpad sa may timog-timog silangan at hilaga-hilagang kanluran ng bulkan.
Naobserbahan din sa bulkan ang long-term deflation sa may Taal caldera na sinabayan ng short-term inflation sa may hilaga at timog silangan ng Taal Volcano Island (TVI).
Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok sa TVI dahil sa banta ng biglaang pagputol ng bulkan, volcanic earthquakes, minor ash fall at expulsions ng volcanic gas na lubhang nakakaapekto sa kalusugan ng tao.
Ang Bulkang Taal ay nananatiling nasa ilalim ng alert level 1.