Kidnapping case ng pulis na suspek sa ‘missing beauty queen’, ibinasura

Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon in this photo on her Instagram on Oct. 1, 2023.
catherine_camilon/Instagram

MANILA, Philippines — “Dismissed without prejudice.”

Ito ang naging desisyon ng piskalya sa San Pablo City sa kasong kidnapping at illegal detention laban sa dating pulis na si Allan de Castro at driver bodyguard nito kaugnay ng pagkawala ng  beauty queen na si  Catherine Camilon.

Sa resolution na inilabas noong Abril 23, 2024, sinabi ng regional prose­cutor na walang sapat na basehan ang kaso laban kay De Castro at driver bodyguard nito na si Jeffrey Magpantay.

Ayon naman sa  Philippine National Police Calabarzon maghahain sila ng motion for reconsideration.

Una nang inamin ni De Castro ang kanyang relasyon kay Camilon, subalit hindi sa kaso ng pagkalawa nito at itinanggi rin ni Magpantay ang pagkakasangkot sa kaso.

Samantala, dismayado naman ang pamilya Camilon sa pagbasura ng Regional Prosecutor sa isinampang kaso nang matanggap ang kopya ng desisyon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na si De Castro ang huling kasama ni Camilon bago siya napaulat na nawawala noong nakaraang Oktubre sa Batangas.

Batay umano sa pahayag ng testigo, nakita nila si Magpantay at dalawang iba pa na may ini­lilipat na babaeng walang malay sa isang sasakyan.

“Mahirap… siyempre wala naman kaming ibang inaasahan kun’di ‘yung magkaroon ng magandang resulta ito, tapos ganito,” anang ina ni Catherine na si Rose Camilon.

Umaasa pa rin ang pamilya ni Camilon na magkakaroon ng linaw ang pagkawala ng beauty queen.

Show comments