^

Police Metro

Wiretapping ng Chinese embassy sa AFP-WESCOM pinatatalupan

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Francis “Tol” Tolentino sa Senate committee on national defense na imbestigahan, in aid of legislation, ang umano’y hindi otorisadong wiretapping ng Chinese embassy sa Armed Forces of the Phili­ppines-Western Command (AFP-WESCOM).

Sa Senate Resolution (SR) No. 1023, na binibigyang-diin ni Tolentino ang pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian sa isang press conference noong Mayo 6 ng diumano’y “bagong modelo” para sa transportasyon ng Ren’ai Reef (Second Thomas Shoal) at subsidy na inaprubahan umano ng buong command chain ng Philippine military, kabilang ang Department of National Defense, at National Security Council.

Labag din sa batas para sa sinumang tao o mga tao na muling i-play ang hindi otorisadong naitalang komunikasyon, sa salita man o sukat, o ibigay ang trans­kripsyon nito, kumpleto man o bahagyang, sa sinumang tao, maliban kung pinahihintulutan ng korte bilang ebidensya sa anumang sibil, criminal investigation o trial of offenses.

Layunin din ng SR 1023 na tukuyin ang lawak ng panghihimasok ng China at suriin ang mga kaugnay na batas at protocol upang matugunan ang  panghihimasok.

Nauna nang inihayag ng China na maglalabas ito ng transcript at audio recording ng umano’y pag-uusap sa telepono sa pagitan ng mga opisyal ng China at isang nangungunang opisyal ng AFP na tumatalakay sa “bagong modelo” para sa mga resupply mission sa West Philippine Sea, na ayon sa ng gobyerno ng Pilipinas ay hindi inaaprubahan.

WIRETAPPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with