Suspect sa pag-ambush sa photojournalist inaresto sa arraignment

MANILA, Philippines — Isa sa mga suspek sa pananambang at pagkasugat ng photographer ng isang pahayagan na si Joshua Abiad at apat pang kamag-anak nito at pagkasawi ng kanyang pamangkin noong 2023 sa Brgy. Masambong, Quezon City ang inaresto ng mga operatiba ng Que­zon City Police District (QCPD).

Kinilala ang inares­tong suspek na si Jomari Campillo, 25, residente ng Brgy. Cembo, Makati City. Itinuturing din si Campillo na No. 9 most wanted sa district level.

Sa ulat, alas-12:00 ng tanghali ay inaresto si Campillo sa harap ng Que­zon City Hall of Justice, Brgy. Central, Quezon City matapos ang kanyang hearing sa kasong illegal possession of firearms.

Pagkatapos ng pagdinig sa kaso ay agad ding inaresto si Campillo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni QC Regional Trial Court Branch 86 sa kasong Frustrated Murder.

Ito’y bunsod ng pagkakasangkot sa pamama­ril kay Abiad noong Hunyo 29 sa Corumi St., kanto ng Gazan St., Brgy. Masambong, Quezon City dakong alas-3 ng hapon na kung saan ay namatay ang 4-anyos na pamangkin at pagkasugat ng tatlo pang kaanak.

Show comments