^

Police Metro

Hulyo idineklarang PH Agriculturists’ Month

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bilang pagkilala sa dedikasyon ng mga magsasaka at pagbibigay kamalayan sa sektor ng agrikultura ay idineklara ni Pangulong Ferdinand. “Bongbong” Marcos Jr. ang buwan ng Hulyo kada taon bilang ‘Philippine Agriculturist’ month

“The celebration of the Philippine Agriculturists’ Month will engage professional agriculturists in agricultural advocacy, policy research and formulation and provide an avenue for enterprise-building, communications training, and community development,” nakasaad sa Proclamation No. 544, na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Mayo 10.

Pagbibigay din ito ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura na magpapalakas sa ‘nationwide agricultural productivity at competitiveness’.

Nakasaad sa proklamasyon na ang Manila School of Agriculture na naitatag noong Hulyo 1989 ay magbibigay ng theoretical at practical education sa mga skilled farmers at overseers.

Itataguyod din nito ang agricultural development sa bansa sa pamamagitan ng observation, experiment at investigation tungo sa mas malalim na awareness at understanding sa Philippine agriculture.

Inaatasan ang Department of Agriculture (DA) at Professional Regulation Commission (PRC) pati na ang Board of Agriculture na pangunahan, mag-coordinate, at mag-supervise sa paggunita sa Philippine Agriculturists’ Month.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with