3 Korean wanted sa robbery, timbog sa BI

Sa isang pahayag, kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang tatlong pu­gante na sina Han Jungwoo, 37; Jo Woongje, 36, at Lee Chihoon, 25, na pawang naaresto sa Talisay City ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU). 
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Tatlong South Korean nationals na wanted sa mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa kasong robbery, ang naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Cebu noong Biyernes. 

Sa isang pahayag, kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang tatlong pu­gante na sina Han Jungwoo, 37; Jo Woongje, 36, at Lee Chihoon, 25, na pawang naaresto sa Talisay City ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU). 

Ayon kay Tansingco, ang mga Koreans ay pawang nasa “red notices” din na inisyu ng Interpol dahil sa arrest warrants na inisyu laban sa kanila noong Enero ng eastern district court sa Seoul.

Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy na ang mga suspek ay inakusahan na gumagamit ng sophisticated instruments gaya ng tracking devices at surveillance cameras upang sikretong i-monitor ang kanilang mga biktima upang makuha ang passwords at personal na impormasyon saka nila papasukin sa tahanan at pagnanakawan. 

Sa pagtaya ng awtoridad, nasa 4.5 milyong won o US$3,300 ang natangay ng mga suspek.

Show comments