P12.2 bilyong illegal drugs, nakumpiska ng PNP

Ayon kay Fajardo, resulta ito ng 17, 099 anti-illegal drugs operation na isinagawa sa loob ng nabanggit na panahon, kung saan naaresto ang nasa 20,920 drug suspects.
STAR / File

Drug ops mula Enero-Mayo

MANILA, Philippines — Umabot sa P12.2 bil­yon ang halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng pamahalaan sa loob ng limang buwan o mula Enero 1 hanggang Mayo 5 ng kasalukuyang taon.

Ito ang iniulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo nang tanungin sa accomplishments ng PNP.

Ayon kay Fajardo, resulta ito ng 17, 099 anti-illegal drugs operation na isinagawa sa loob ng nabanggit na panahon, kung saan naaresto ang nasa 20,920 drug suspects.

Kabilang sa mga nakumpiska ng mga otoridad ay ang mga shabu, marijuana, kush at cocaine.

Sinabi ni Fajardo na simula nang maupo si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. noong July 1, 2022, umabot na sa P33.2 bil­yon na halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga awtoridad.

Show comments