^

Police Metro

Anak, patay sa saksak ng sariling ama

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang anak na lalaki matapos siyang saksakin ng kaniyang sari­ling ama na nagpanting ang tainga sa sinabi ng una, naganap sa Brgy. Tanza Dos, Navotas City, kamakalawa.

Ang ugat ng krimen, ang pag-awat ng suspek sa away ng kinakasama ng biktima at pinsan.

Sa ulat, sinabing unang nagtalo ang kinakasama ng biktima at kaniyang pinsan sa kanilang lugar sa Barangay Tanza Dos ng nasabing lungsod.

Lumabas ang suspek mula sa bahay nito para awatin ang dalawang nag-aaway. Pero sinaway umano ng biktima ang kaniyang ama na huwag nang makialam.

“Itong victim nakialam din at inawat ‘tong kaniyang tatay at sinabing ‘wag na lang pakialaman. Iyun, naglabas ng kutsilyo, biglang sinaksak ‘yung kaniyang anak sa dibdib,” ayon kay Police Major Albert Juanillo ng Navotas Police Station.

Isinugod sa ospital ang 35-anyos na biktima na idineklarang dead-on-arrival dahil sa tama ng saksak sa puso.

Naaresto naman kina­launan ang suspek na uma­min sa ginawang krimen.

“Sinagot ako ng ‘anong pakialam mo? Papansin ka pa. Banatan kita eh’. Parang nagpanting ang pandinig ko. Kinuha ko ‘yung panghiwa ng sibuyas, ‘yun na. Hindi na po kasi nabigla din ako sa salita n’ya eh,” paliwanag niya.

Labis naman ang pighati ng asawa ng suspek na siyang ina rin ng biktima.

“Hirap din po sa kalooban ko. Anak ko patay, asawa ko nakakulong,” pahayag niya.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with