Walang pinipiling edad o health status ang mga sakit dulot ng init ng panahon - DOH

Paalala ng DOH, bagama’t mas vulnerable ang mga matatanda, mga nakababata, at mga may sakit, ay wala pa ring pinipiling edad o health status ang mga heat-related illnesses.
Michael Varcas / File

MANILA, Philippines — Kasunod nang matinding init ng panahon ay pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na pag-ingatan ang kanilang kalusugan.

Paalala ng DOH, bagama’t mas vulnerable ang mga matatanda, mga nakababata, at mga may sakit, ay wala pa ring pinipiling edad o health status ang mga heat-related illnesses.

Babala pa ng DOH, maging ang mga physically fit na indibidwal ay maaari ring mabiktima ng heat related illnesses.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na uminom ng maraming tubig para makaiwas sa dehydration.

Dapat din umanong iwasan munang magbilad sa araw mula 10:00AM hanggang 4:00PM na katindihan ng sikat ng araw.

Makatutulong din ang pagsusuot ng kumportableng damit kapag ma­tindi ang init ng panahon.

Show comments