Pulis sa checkpoint itinumba ng tandem

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang pulis nang siya ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo habang nagmamando ng police checkpoint sa Barangay Colonia, Lamitan City, Basilan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Lt. Col. Arlan Delumpines, hepe ng Lamitan City police, ang nasawing biktima na si Patrolman Khalid Sali Ahmad, kasapi ng 1st Platoon ng Basilan Provincial Mobile Force Company ng Basilan Provincial Police Office.

Sa ulat, tangkang pipigilin sana ni Ahmad para sa isang routine ins­pection ang dalawang lala­king magkaangkas sa isang motorsiklo ngunit bigla siyang pinaputukan ng isa sa mga ito at tinamaan sa ulo bago sila lumiko pabalik sa kanilang pinagmulang direksyon.

Hinabol ng mga kasama ni Ahmad ang mga gunman na tumakas patungong Barangay Campo Uno sa Lamitan.

Show comments