Motor salpok: 15-anyos dalagita patay

MANILA, Philippines — Hindi na umabot na buhay sa ospital ang angkas na  isang 15-anyos na dalagitang estudyante makaraang tumilapon nang sumalpok ang motorsiklo na minamaneho ng 17-anyos na binatilyo sa Brgy. Bancaan Naic, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si alyas Mikka, residente ng Purok 6 Brgy. Sapa, Naic Cavite habang inoobserbahan sa pagamutan ang driver ng motor na si alyas Castillo, construction worker.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang sakuna, alas-9:55 ng gabi ay mabilis bumabagtas sa nasabing lugar ang motorsiklo dahilan para umano mawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Castillo at sumalpok sa bakal na gate ng isang establisyimento kaya’t tumilapon ang mga biktima.

Show comments