NDFP tagahasik ng lagim sa listahan ng mga terorista- NTF ELCAC

MANILA, Philippines — Tanging ang National Democratic Front (NDF) of the Philippines ang tunay na tagahasik ng lagim sa listahan ng mga terorista sa bansa.

Ito ang ibinunyag ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) Executive Director at Undersecretary Ernesto Torres Jr., kasunod nang pagkamatay ni Kaliska Dominica Peralta, kilala bilang Ka Recca sa isang engkwentro. Nagpapakita aniya ito ng patagong pamamaraan ng NDFP nang ma-recruit si Peralta ng front organization ng mga rebelde habang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas.

Sinabi ni Torres na nakakabahala ang diskarteng ito ng NDFP na saktong nagdidiwang ng ika-51 taon ngayong Abril 24, mula nang maitatag ito noong 1973.

Ang NDFP aniya ang nagkumpas mula noon ng mga strikes, student boycotts, at mga protesta para madestabilisa ang pamahalaan.

Hindi na umano na mapapayagan ng pamahalaan na magpatuloy pa ang panlilinlang na ito ng NDFP.

Show comments