Paghuli sa mga e-trike, e-bike sa Metro Manila, inawat muna ni Pangulong Marcos

E-bikes, e-trikes, tricycles and pedicabs are seen passing by along Recto Avenue in Manila on April 13, 2024.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Bigyan ng palugit ang mga masisitang e-bikes, e-trikes at iba pang apektadong sasakyan sa ilang tukoy na daan sa Metro Manila.

Ito ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na ginawa ang direktiba sa kanyang post sa X (dating twitter).

Ayon sa punong ehekutibo, kailangan pa na magbigay ng sapat na panahon para sa malawak na pagsisiwalat ng impormasyon hinggil sa ban na ipinapatupad.

Base na rin sa rekomendasyon na kanyang natanggap, mananatiling bawal ang mga natukoy na sasakyan sa ilalim ng MMDA Regulation No. 24-022 series of 2024 sa mga piling pangunahing lansangan.

Ang sakop ng grace period na hanggang isang buwan ay ang hindi pag-ticket, pagmulta at pag-impound ng mga e-trike.

Sakaling paparahin man anya sila, ito ay para maayos na maituro ang mga kalsadang maaari nilang gamitin, pati na ang pagpapaalala ng mga bagong patakaran na ipinapatupad upang paigtingin ang kaligtasan at kaayusan sa mga lansangan.

Show comments