4 MILF members patay sa ambush

MANILA, Philippines — Patay ang apat na mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front sa naganap na ambush sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Mhoni Kamid; Khar Anding; kanyang anak na sina Tapurih; at Ahmed Mansur.

Ang mga biktima ay  kilala sa kanilang masigasig na pagsuporta sa mga anti-terror operations ng mga units ng 6th Infantry Division at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

Sa ulat ni Maguinda­nao del Sur provincial police director Col. Roel Sermese at ng hepe ng Shariff Aguak Municipal Police Station, si Lt. Col. Regie Albellera, sakay ng mga motorsiklo ang mga biktima nang tambangan sila ng mga suspek na  nakaabang sa gilid ng highway sa nasabing barangay.

Nabatid na ang mga biktima, na kapwa residente ng Barangay Dapiawan sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur ay patungo sana sa Barangay Limpongo nang sila ay pagbabarilin ng mga teroristang Dawlah Islamiya at BIFF na pinamumunuan ni Kagui Katatang na wanted sa iba’t-ibang mga high-profile criminal cases.

Show comments