Marcos: Duterte ‘di karibal sa pulitika

MANILA, Philippines — Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya tinitingnan si dating pangulong Rodrigo Duterte bilang isang political enemy sa kabila ng mga ginagawang pagbatikos sa kanya.

Nagbigay ng reaksyon ang pangulo sa sinabi ni Duterte na maaaring magkaaway sa pulitika ang dalawa kasunod nang pagsuspinde kay Davao del Norte Governor Edwin Jubahib dahil sa isang reklamo ng grave abuse of authority at oppression.

Tinawag din ni Duterte na “crybaby” ang pangulo sa kanyang pagkiling sa United States matapos magpahayag ng hindi pagsang-ayon si Marcos sa umano’y “gentleman’s agreement” ng dating pinuno kay Chinese President Xi Jinping sa usapin ng West Philippine Sea.

Show comments