149 babae at bata, biktima ng cybercrime – PNP

MANILA, Philippines — Umaabot sa 149 kababaihan at mga bata ang biktima ng mga kaso ng cybercrime sa bansa sa ­unang bahagi ng taong 2024.

Ito ang inireport ni PNP-ACG Director P/Major Gen. Sidney Hernia, kaugnay ng idinaos na AngelNet Summit 2024 sa Multi Purpose Hall ng Camp Crame kamakalawa na naglalayong mapalakas pa ang paglaban sa cybercrimes kung saan ang kadalasang biktima ay ang mga kababaihan at mga bata.

Sinabi ni Hernia  na ang nasabing bilang ay 36% sa nairekord na mga biktima noong 2023.   Noong 2023 ay nakapagtala ang PNP-ACG ng kabuuang 407 kaso  ng mga biktimang kababaihan at mga bata na may mga larawan pa at video voyeurism  na isang paglabag sa  Republic Act (RA ) 9995.

Samantala, inintrodyus din sa summit ang Aleng Pulis at ang CyberSquad, ang avatar group ng PNP-ACG na siyang magsisilbing frontline investigagors upang palakasin pa ang cyberspace security ng mga kababaihan at mga bata.

Ayon naman  kay P/Col/ Jean Fajardo, Acting Chief ng Public Information Office ang tema ng aktibidad ay “AlengPulis Cybersquad at Angel Network , Magkasama sa Online Kaligtasan.

Show comments