4 pulis na sangkot sa pagdukot ng 3 katao, sinibak

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang apat na pulis na umano’y sangkot sa dalawang insidente nang pagdukot  sa  tatlong katao sa Calamba City at Los Baños, Laguna.

Itinago ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng 4 pulis, na pawang nakadestino sa Calamba Intelligence Division at nahaharap sa mga reklamong administratibo na inihain ng mga kaanak ng mga biktima sa National Police Commission (NAPOLCOM).

Ang mga nasabing pulis ay napaulat na nakuhanan ng video footage ng close-circuit television camera na naka-install malapit sa umano’y insidente ng pagdukot na nagpapakitang kinaladkad ang dalawang hindi pa nakikilalang tao sa loob ng sasakyan sa Barangay Pa­rian, Calamba City, Laguna, noong Enero 11 at noong Marso 28 ay sapilitang binibit ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Los Baños City.

Ang dalawang biktima ay kinilalang sina Diolito Garay Sr. 60, at Aldy Raquion, 23, kap­wa residente ng Purok 7, Barangay Parian, Calamba City, ay naiulat na nawawala ni Karen Garay, 23, noong Enero 24 ngunit iniulat lamang sa istasyon noong Marso 11, 2024.

Noong Abril 2, dalawang bangkay ang natagpuang patay na nakaposas sa loob ng dalawang drum ng isang mangingisda sa kahabaan ng Busig-on river sa Barangay Submakin, Lobo, Camariñes Norte.

Sinabi ng mga reliable sources na ang pagdukot sa dalawang nawawalang tao sa Laguna ay natagpuang patay sa Lobo, Camariñes Norte habang ang isang nawawala sa Los Baños City, ay hinihinalang patay na.

Show comments