Pinuno ng carnapping ring na wanted sa Laguna, tiklo sa Maynila

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang lider ng organized carnapping ring na wanted sa Laguna sa isang operasyon sa ila­lim ng Coplan Ferdie sa Redemptorist Road sa Baclaran, Parañaque City, Metro Manila.

Hindi na nanlaban ang suspek na si Ferdinand Merlin Sy, Filipino-Chinese, 49, residente ng Newton Heights Subdi­vision, San Francisco, Biñan, Laguna, nang ares­­tuhin ng magkasanib na pwersa­ ng HPG-Laguna at Sta. Rosa police sa loob ng kanyang sasakyan malapit sa Redemption church noong Miyerkules ng hapon, Ayon kay Col. Rommel Estolano, HPG-Calabarzon police director na nahuli si Sy ng mga arresting team na pinamumunuan ni Major Dante Aquino, HPG-Laguna field head, armado ng warrant arrest na inisyu ni Hon Gil Jude Santa Maria Jr, presiding judge ng Regional Trial Court, Branch 102, Santa Rosa Laguna noong Peb. 14, 2022. Walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sinabi pa ni Estolano na si Sy ay nakalista bilang most wanted person sa ilalim ng regional level at pangunahing target sa ilalim ng Coplan Ferdie at naging lider matapos arestuhin ng intelligence units sa Metro Manila ang dating pinuno nitong si Hamilton­ Chua, alyas Jonathan Chua.

Show comments