Ex-barangay captain, nakaligtas sa ambush

MANILA, Philippines — Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si dating Barangay Anislag Chairman Alwin Nimo at mga kasama nito makaraang paulanan ng bala ang kanilang sinasakyan ng hindi pa kikilang mga suspek sa kahabaan ng Barangay Mariawa, Legazpi City, Albay.

Sa ulat ng pulisya, pauwi na sa kanilang bahay si Nimo kasama ang kanyang bodyguard at driver nang biglang pagbabarilin ang kanilang sasakyan na tinatayang nasa apat na armadong kalalakihan.

Kahit pinauulanan ng bala, dumiretso ang sasakyan ni Nimo patungo sa isang army detachment sa Brgy. Talahib, Daraga-Albay – isang kilometro ang layo mula sa pinangyarihan nang pamamaril.

Magugunitang nitong Pebrero, naghain ng kaso si Nimo sa Office of the Ombudsman laban kay Albay Gov. Grex Lagman para sa patung-patong na kasong kriminal kaugnay ng umanoy operasyon ng illegal jueteng sa lugar.

Itinanggi naman ni Gov. Lagman ang mga akusasyon ni Nimo.

Show comments