Pinas, kaisa ng buong mundo sa pananalangin para sa kalusugan ni Princess Catherine — Marcos

MANILA, Philippines — Kaisa ng buong mundo ang mga Pilipino sa pananalangin para sa mabuting kalusugan kay Princess of Wales Cathe­rine.

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod nang anunsyo ng Princess of Wales na nagsimula nang sumailalim sa chemotherapy laban sa cancer.

Sa pahayag ng Pangulo, sinabi nito na kabilang ang prinsesa sa pana­langin ng mga Pilipino sa panahon na humaharap ito sa hamon.

“The Filipino people have Catherine, the Princess of Wales, in our thoughts and prayers throughout this challenging time.” ani Pangulong Marcos.

Matatandaang ilang buwang hindi nakita ng publiko si Princess Cathe­rine matapos ang abdominal surgery noong Dis­yembre.

 

Show comments