^

Police Metro

Philippine Salt Industry Development Act, pirmado na ni Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ganap nang batas ang Philippine Salt Industry Development Act matapos itong pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layuning mapalakas at muling buhayin ang industriya ng asin sa bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang bagong batas ay bahagi ng adhikain ng gobyerno na mailarga ang pag-unlad sa mga kanayunan at mapalakas ang kita ng mga maliliit na negosyo.

Ang bagong batas ay pinirmahan ng Presidente nitong March 11, 2024 kung saan magbibigay ng angkop na teknolohiya ang gob­yerno sa mga gumagawa ng asin, kasama na rito ang pinansiyal, produksiyon, marketing at iba pang tulong upang maiangat ang industriya ng asin sa bansa.

Kasama sa target ng gobyerno na maging exporter ng asin ang Pilipinas sa ibang bansa.

Magkakaroon ng Philippine Salt Industry Development Roadmap upang masigurong maabot ang layunin ng batas at naaayon sa layunin at patuloy na implementasyon ng Republic Act 8172, o an Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN).

Sa ilalim ng bagong batas, itatatag ang “Salt Council” upang masiguro ang nagkakaisa at integra­ted implementation ng salt roadmap at mapabilis ang modernisasyon at industriyalisasyon ng Philippine salt industry na pamumunuan ng Department of Agriculture.

SALT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with