3-anyos patay, magulang sugatan sa banggaan

MANILA, Philippines — Isang 3-anyos na batang babae ang nasawi habang nasugatan ang mga magulang nito matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ang nasawi na si Margaux Alyson Verana, habang ang kanyang mga magulang na nagtamo ng mga pinsala ay sina Ronrick Verana at Lalaine Llabore.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-12:17 ng madaling araw nang aksidenteng mabangga ng isang berdeng Euro Viperman 150 na motorsiklo at walang plaka na minamaneho ni Ephraim Mungcal ang motorsiklo ng mga biktima, isang kulay abong Honda Click 125 na may plakang 328CPW sa crossing malapit sa Waltermart sa Barangay Sta. Clara, Sta. Maria Bulacan.

Isinugod sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital sa nasabing bayan ang mag-anak ngunit kalaunan ay binawian ng buhay ang bata.

Si Mungcal ay inilagay sa kustodiya ng Sta. Maria MPS at nahaharap sa mga kaso ng reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries at damage to properties.

Show comments