Pekeng pulis tiklo sa pangongotong

Sa ulat, bago isinagawa ang isang entrapment ope­ration sa nasabing lugar ay humingi ng tulong sa pulisya ang negosyanteng si Romeo Macapinlac, 44, matapos humingi ng buwanang allowance si Peñamayor kapalit ng pag-iingat sa motorpool nito kung saan nakalagay ang mga heavy equipment at protection money.
STAR / Edd Gumban / File

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang lalaking­ nagpakilalang pulis at na­ngongotong sa isang negosyante sa Brgy. Biga 2, Silang, Cavite.

Ang suspek na nakasuot pa ng PNP uniform nang maaresto ay kinilalang si Jonaldo Peñamayor, 51.

Sa ulat, bago isinagawa ang isang entrapment ope­ration sa nasabing lugar ay humingi ng tulong sa pulisya ang negosyanteng si Romeo Macapinlac, 44, matapos humingi ng buwanang allowance si Peñamayor kapalit ng pag-iingat sa motorpool nito kung saan nakalagay ang mga heavy equipment at protection money.

Nabigo ang suspek na magpakita ng anumang pagkakakilanlan o mga kaukulang dokumento para sa mga baril na nakuha sa kanyang pag-aari, PNP identification card at badge.

Kakasuhan ng Usurpation of Authority at paglabag sa R.A. 10591 na kilala bilang illegal possession of firearms ang pekeng pulis.

Show comments