Sanggol binalibag ng amang drug addict, utas

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang 8-buwang sanggol na babae nang buhatin at ibalibag ng ama na drug addict at lasing sa Barangay Tagaytay, Bansalan, Davao del Sur nitong Sabado ng gabi.

Agad na naaresto at nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na si Angelo Malit na umamin na agad sa kanyang nagawang krimen.

Ayon sa mga kamag-anak at mga kapitbahay, bigla lang diumanong binuhat ni Malit ang anak at ibinalibag ng malakas sa sahig ng kanilang tahanan na agad na namatay.

Hinala ng pulisya na sabog sa droga ang suspek nang gawin ang karumal-dumal na pagpatay sa sanggol na anak.

Show comments