MANILA, Philippines — Buhay na nahukay ang isang 3-anyos na batang babae mula sa gumuhong lupa sa Maco, Davao de Oro matapos ang dalawang araw sa patuloy na retrieval operation kung saan 11 na ang iniulat na namatay.
Sa inilabas na pahayag ng pamahalaang panlalawigan, nakasaad na “stable” ang kalagayan ng bata matapos suriin ng mga doktor.
“A miraculous little girl survived the landslide that hit Zone 1, Barangay Masara, Maco. This girl was rescued this morning during an ongoing search, rescue, and retrieval operation by our responders,” ayon sa pahayag.
Hanggang nitong Biyernes ng umaga, 15 bangkay na ang nakuha mula sa gumuhong lupa, at nasa 110 ang nawawala.
Ayon kay Davao deOro Provincial Disaster Official Edward Macapili, umaasa sila na marami pa ang makukuhang buhay sa lugar kaya nagtitiyaga ang mga rescuers.
Nauna nang sinabi ni Colonel Rosa Ma Cristina Rosete-Manuel, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ng militar na tumulong sa pamumuno sa rescue operations, na umaasa ang mga rescuer na makakahanap pa ng mga nakaligtas.
Ayon naman kay Maco Mayor Arthur Carlos Rimando ang landslide ay apat na kilometro mula sa gold mine areas na inooperate.