Kamara, nagpalabas ng P150 milyon financial aid sa mga biktima ng baha sa Davao Region

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng P150 milyon financial assistance ang Marcos administration nang ito ay inendorso ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para sa mga biktima ng baha sa Davao Region.

Habang ang tanggapan naman ni Speaker Romualdez at Tingog Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ay patuloy ang pagsasaayos para agad na maipakalat ang 21,000 food packs sa lugar mula sa personal “calamity funds”.

Ang tanggapan din ni Romualdez at Tingog partylist ay nakipag-ugnayan na rin sa DSWD para agad na magpalabas ng 30,000 food packs para sa mga binaha.

Inendorso ni Romualdez sa DSWD ang pagpapalabas ng P150 milyong financial aid sa mga biktima ng baha sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD na ipadaraan sa mga congressional districts ng mga Davao lawma­kers, maging sa mga local government executives.

Ayon naman kay Rep. Yedda Romualdez ang 21,000 relief goods ay ipapakalat din sa mga miyembro ng Kongreso sa Davao Region maging sa mga local executives ng Davao Oriental.

Show comments