^

Police Metro

Sunog sa Tondo: 22-anyos dalaga namatay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang 22-anyos na si Asley Lorente, dalaga,  nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Tondo, Maynila kama­kalawa ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, alas-3:58 ng hapon nang mag-umpisa ang sunog sa bahay ng isang Stephanie Ajedo sa kanto ng Mayhaligue at Masangkay St.,Tondo.

Matapos ang higit 20 minuto, nakontrol ng mga bumbero ang apoy, alas-4:20 ng hapon at tuluyang naapula, alas-4:28 ng hapon.

Natagpuan sa clearing operation ang labi ni Lorente na nakalugmok patagilid sa kaniyang bahay. Hinihinala na nalagutan ng buhay ang babae nang mahirapang makahinga dahil sa makapal na usok.

Tinatayang 50 pamilya ang nawalan ng bahay sa insidente habang umabot lamang sa P50,000 ang estimasyon ng BFP na halaga ng natupok na ari-arian.

vuukle comment

BFP

TONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with