Lalaki arestado sa bomb joke sa Quiapo church
MANILA, Philippines — Isang lalaki ang inaresto ng mga pulis matapos magbiro na mayroong bomba sa loob ng simbahan ng Quiapo habang sa gitna ng misa, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang inarestong suspek na si Dennis Garcia, 42, nakatira sa #32 Salazar St., Brgy. Talipapa, Quezon City.
Sa ulat, nasa gitna ng pang-alas-5:00 ng madaling araw na misa nang biglang magsisigaw ang suspek na may bomba sa loob ng simbahan.
Nagdulot ito ng bahagyang pagkabahala ng mga dumadalo sa misa bago umaksyon ang mga guwardiya ng simbahan at mga tauhan ng Plaza Miranda Police Community Precinct (PCP) at inaresto.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 (Declaring as unlawful the malicious dissemination of false information of the wifull making of any threat concerning bombs, explosives, or any similar device or means of destruction).
Kapag napatunayang nagkasala, papatawan ng pagkakulong na hindi hihigit sa limang taon at multa na hindi lalagpas sa P40,000, depende sa desisyon ng korte.
- Latest