MANILA, Philippines — Bilang transmission service provider ay hindi umano nagkulang ang kanilang mandato mula sa mga producer patungo sa mga grid-connection sa bansa.
Ito ang inilabas na pahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na kung saan ay maaari lang silang magbigay ng overview tungkol sa kasalukuyang supply at demand ng sitwasyon at masiguro na maipagkaloob ang lahat ng posibleng suplay ng kuryente.
“We reiterate our earlier pronouncements that there was no transmission disturbance before the tripping of the PEDC Unit 1 (83MW) at 12:06PM. After this event, NGCP was able to recover the transmission system and normalize voltage. This normal voltage situation persisted until several power plants inexplicably tripped at 2:19PM. Data from our system shows no abnormality in voltage and system stability,” pahayag pa ng NGCP.
Pinabulaanan din ng NGCP ang akusasyong na nabigo sila sa kanilang obligasyon na mapanatiling maayos ang transmission system.
Itinanggi rin nila na nagsinungaling sila at hindi transparent sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko at katunayan ay regular silang nagbibigay ng impormasyon sa kanilang stakeholders kabilang na ang media at sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng print, radio, broadcast, social media at text blasts.
Hiniling ng NGCP sa mga mambabatas na sa halip manisi at gamitin pa ang ilang sektor ay mabuti pang maging patas sa paghahanap at pag-aalam ng katotohanan sa insidente.