MANILA, Philippines — Binalaan ni Vice President Sara Duterte ang publiko laban sa mga scammer na gumagamit ng kaniyang pangalan para makapang-scam ng pera.
“Mag-ingat sa mga tao o grupong mangongolekta sa inyo ng pera gamit ang aking pangalan,” ayon kay Duterte sa Facebook page post niya.
Sinabi niya na karaniwang nagpapakilala ang mga scammer na mula sa Bureau of Customs o ibang ahensya ng pamahalaan at sinasabi na ang pera ay mapupunta para sa proyekto ng kaniyang tanggapan.
Wala umano siyang ino-otorisa na anumang uri ng pagso-solicit ng pera at walang sinumang bininigyan ng permiso para sa politika o iba pang bagay.
“Huwag kayong magpaloko. I-report ang inyong nalalaman tungkol sa mga scam na katulad nito sa PNP,” ayon pa sa Bise Presidente.