^

Police Metro

50K jeepney drivers mawawalan ng trabaho – MANIBELA

Joy Cantos - Pang-masa
50K jeepney drivers mawawalan ng trabaho � MANIBELA
Commuters endure long lines in Philcoa, Commonwealth Avenue in Quezon City on December 14, 2023.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi na makabiyahe at tuluyang mawalan ng trabaho sa pagsisimula ng taong 2024 ang nasa 50,000 jeepney drivers sa Metro Manila.

Ito ang sinabi ni MANIBELA President Mar Valbuena na umano ay ang pinakamalungkot na Pasko sa hanay ng libu-libong mga jeepney drivers ngayong taon dahilan sa bubulagain sila ng ‘jobless‘ na status sa Bagong Taon sanhi ng pagtanggi ng mga jeepney drivers at ng kanilang mga operators sa ‘franchise consolidation’ matapos namang magbigay ng ulti­matum ang gobyerno na hanggang Disyembre 31, 2023 ng taong ito bilang bahagi ng Public Utility Vehicles (PUV) Modernization Prog­ram.

Aminado si Valbuena na lubhang napakahirap ng sitwasyon ng mga jeepney drivers at mga operators dahilan sa masya­do umanong mahal ang ipinagpipilitan sa kani­lang bilhin na mahigit P2 milyong modernong jeepney na kung tutuusin ay mga mini bus na gawang China.

Inamin na ng mga operators na hindi nila kayang bilhin ang napaka­mahal na moder­nong jeepney na bago pa umano mabayaran ng buo ay sira na dahilan sa mahinang klase ito o palpak ang kalidad na laging suki sa talyer kaya malulugi lamang ang mga bibili nito.

Bukod dito, ang opera­tors ay kailangang may 15 units ng nasabing modern jeepney at dito’y mas mapapaboran aniya ang mga malala­king negosyante.

Kaya’t name­meligrong hindi na makabiyahe pa sa Metro Manila ang nasa 50,000 jeepney units gayundin ang iba pang mga UV Express Units  bilang resulta ng PUV Modernization Program.

MANIBELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->