‘Respiratory illness’ sa China binabantayan ng DOH

MANILA, Philippines — Binabantayan ngayon ng Department of Health (DOH) ang kaganapan sa China ukol sa panibagong “clustered respiratory illness” o sakit sa baga lalo na sa mga bata.

Sinabi ng DOH na nakipag-ugnayan na ang kanilang Epidemiology Bureau sa International Health Regulations (IHR) National Focal Point of China para humiling ng dagdag na impormasyon ukol sa sakit.

Sa lokal na kundisyon, tumataas pa rin ang naitatalang “influenza-like illnesses (ILI) sa bansa ngunit pabagal na umano ito.

Naalarma ang health experts sa mundo nang ilathala ng “monitoring service” na ProMED, parte ng International Society for Infectious Diseases ang ukol sa natukoy na “undiagnosed pneumonia-China (Beijing, Liaoning), nitong nakaraang Martes.

Ang ginamit kasi na mga salita sa naturang publikasyon ay tulad ng ginamit sa COVID-19 noong Disyembre 30, 2019 na: “Undiagnosed pneumonia- China (Hubei).”

Humiling na rin ang World Health Organization (WHO) ng dagdag na impormasyon sa China ukol sa naturang sakit, habang pinakalma ang publiko sa pag-iisip na isang panibagong pandemya ang magaganap.

Show comments