^

Police Metro

Video message ng biktima sa bus shooting, inilabas ng mga kapatid

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Ginawa ko itong video na ito para sabihin na ang aking anak na si – ay walang karapatang mag-stay sa bahay ko o kumuha ng mga ani.”

Ito ang naging pahayag ng biktimang si Gloria Mendoza Quillano, 60, isa mga biktima ng pamamaril sa Victory Bus Liner kasama ang kanyang ka-live in na tila nagpapakita ng galit nito sa anak bago ang pamamaslang na inilabas ng kapatid nito.

Bukod kay Quillano, patay din ang live-in partner nito na si Arman Bautista, 55 dahil sa mga tama ng bala ng baril sa ulo.

Ayon sa kapatid ni Quillano, wala silang ibang hangad kundi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang kapatid at lumabas ang katotohanan.

Nabatid na kinasuhan ng biktima ang kanyang anak ng carnapping at robbery subalit nakapagpiyansa.

Subalit, ayon sa abogado ng anak ng biktima, nagkaayos at nagkapatawaran na ang mag-ina kaya laking gulat nila nang maglabas ang PNP na isa ito sa person of interest.

Matatandaang pinagbabaril sa ulo nitong Miyerkules ng tanghali ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sina Quillano at Bautista habang sakay ng bus sa Carranglan, Nueva Ecija.

VICTORY BUS LINER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with