^

Police Metro

8 Pinoy pupuslit pa-Malaysia, nasabat

Danilo Garcia - Pang-masa
8 Pinoy pupuslit pa-Malaysia, nasabat
Sa ulat, nagtangkang sumakay ang walo sa MV Antonia patungo sa Sandakan, Sabah noong Nobyembre 13. Nagsabi sila na mga turista at magkakaiba ang dahilan ng pagbiyahe tulad na lang ng pagbili ng wel­ding equipment o bibisita sa kaanak o kaibigan.
Bing Maps

MANILA, Philippines — Walong Pilipino na tangkang pumasok ng Malaysia sa Zamboanga International Seaport (ZIS) ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) makaraang magpanggap na mga turista.

Sa ulat, nagtangkang sumakay ang walo sa MV Antonia patungo sa Sandakan, Sabah noong Nobyembre 13. Nagsabi sila na mga turista at magkakaiba ang dahilan ng pagbiyahe tulad na lang ng pagbili ng wel­ding equipment o bibisita sa kaanak o kaibigan.

Ngunit nang sumailalim sa ikalawang inspeksyon, inamin ng walo na plano nilang pumasok sa trabaho sa isang shipyard at engineering firm sa Kuala Lumpur.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang pagkakasabat sa walo ay patunay na hindi lamang mga paliparan ang binabantayan nila laban sa human trafficking ngunit maging ang mga seaports.

Ipinasa na sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang kustodiya sa walong pasahero para sa kaukulang imbestigasyon. -

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with