NCR Mayors, solons job performance, inilabas — RPMD

MANILA, Philippines — Inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang resulta ng independent at non-commissioned “Boses ng Bayan” third quarter survey, na ginanap mula Setyembre 20-30, 2023, ukol sa “job performance ng mga mayor at congressmen.

Ang pag-aaral ay sumuri sa mga mayor base sa pitong mahalagang sukatan:paghahatid ng serbisyo, pamamahala sa pananalapi, pag-unlad pang-ekonomiya, pamumuno sa pamamahala, pagpreserba sa kapaligiran, mga programang panlipunan, at pakikisangkot ng komunidad.

Nanguna sina Quezon City Mayor Joy Belmonte-94.% at Malabon City Mayor Jeannie Sandoval-93.1%; Navotas Mayor John Rey Tiangco-92.7%; Caloocan City Mayor Along Malapitan-92.5%; Parañaque City Mayor Eric Olivarez-92.3%; Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano-92.1%; Pasig City Mayor Vico Sotto-90.4%; Manila City Mayor Honey Lacuna-89.7%; Makati City Mayor Abi Binay-89.5%.

Nakamit ni Mandalu­yong City Mayor Ben Abalos Sr.-87.9%; Mun­tinlupa City Mayor­ Ruffy Biazon-87.5%; Valenzuela City Mayor Wes Gatcha­lian-87.1%; Marikina City Mayor Marcy Teodoro-85.8%; Taguig City Mayor Lani Caye­tano-85.5%; San Juan City Mayor Francis Zamora -81.3%; Pateros City Mayor Ike Ponce III-80.2% at Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar-78.6%.

Sa mga congressmen ito ay sina Toby Tiangco-95.3%; Stella Quimbo, Ralph Tulfo, at Camille Villar na lumagpas sa 95%; Marivic Co-Pilar, Marvin Rillo, Patrick Michael Vargas, at Oca Malapitan, na may iskor sa pagitan ng 94.3% at 94.8%; Benny Abante ng Maynila-93.2%; Gus Tambunting, Tony Calixto, Franz Pumaren, at Arjo Atayde, ay nakakuha ng mga iskor na naglalaro mula 92.3% hanggang 93.1%.

Ang ikatlong grupo ay sina Dean Asistio, Romulo Roman, Boyet Gonzales III, at Bel Zamora, na bawat isa ay nakapagtala ng mga iskor mula 90.4% hanggang 91.2%; Edward Maceda, Jaime Fresnedi, Pammy Zamora, at Kid Peña ay sa pagitan ng 88.0% at 88.5%; Edwin Olivarez, Ernix Dionisio, Joel Chua, Luis Campos, Irwin Tieng, at Eric Martinez, na may mga iskor sa ibabang 80s. Ang huli ay sina Rolan Valeriano, Mitzi Cajayon, Jaye Lacson-Noel, Maan Teodoro, at Ading Cruz, na nakakuha ng mga iskor sa pagitan ng 80.2% at 80.8%.

Show comments