Big-time rollback sa diesel at kerosene, gasolina tataas

MANILA, Philippines — Magiging magaan para sa mga motorista ang nakatakdang malakihang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ma­tapos mag-anunsyo kahapon ang mga oil players.

Nabatid na magkakaroon ng bigtime rollback sa presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo pero kasabay naman nito ang pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ayon sa oil tra­ding bababa ang presyo ng diesel ng P1.42 kada litro habang ang presyo ng kerosene ay bababa ng P1.23 kada litro.

Bahagyang tataas naman ang presyo ng gaso­lina na aabutin ng 27 centavos kada litro.

Sinasabing ang galaw ng presyuhan ng petroleum products sa world market ang sanhi ng oil price adjustment.

Tuwing araw ng Martes naipatutupad ang pagbabago sa presyo ng petroleum.products.

Show comments