^

Police Metro

Criminology student utas sa frat hazing

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Criminology student utas sa frat hazing
Idineklarang dead on arrival sa Chinese Gene­ral Hospital ang biktimang si Ahldryn Lery Chua Bravante, 25, 4th year Criminology Student  at residente ng  Pinabayaan Esguerra Compound, Brgy. Pasong Buaya, Imus City, Cavite
STAR/ File

20 pang sangkot pinapasuko…

MANILA, Philippines — Isang 4th year criminology student ang nasawi matapos umanong dumaan sa fraternity hazing ng Tau Gamma Phi Fraternity, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Idineklarang dead on arrival sa Chinese Gene­ral Hospital ang biktimang si Ahldryn Lery Chua Bravante, 25, 4th year Criminology Student  at residente ng  Pinabayaan Esguerra Compound, Brgy. Pasong Buaya, Imus City, Cavite.

Nasa kustodiya ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Group (QCPD-CIDU) ang mga suspek at mga  initiator na  sina Justine Cantillo Artates, 20, 3rd year  Criminology student ng PCCR, ng  Rowen St. Marceles Subdivision, Imus City, Cavite; Kyle Michael Cordeta de Castro, 21, ng Bulusan St., Brgy. Paang Bundok, Quezon City; Lexe Angelo Diala Manarpies,20 estudyante ng PCCR, ng Aguho St., Brgy. Claro, Project 3, Quezon City; at Mark Leo Domecillo Andales, 20, estudyante ng  PCCR ng Neptali Gonzales St., Sitio II, San Jose, Mandaluyong City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente,alas-2:00 ng hapon nitong Lunes sa abandonadong gusali ng  STEPS Condominium sa Calamba St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Nabatid na alas-7:00 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang Blumentritt PCP ng Manila Police District mula sa Chinese General Hospital na isang lalaki na puno ng pasa at walang malay ang dinala ng dalawang lalaki.

Sa salaysay nina Artates at De Castro, inamin ng mga ito na miyembro sila ng Tau Gamma Phi Fraternity Philippine College of Criminology (PCCR) Chapter at sumasailalim sa initiation rites si Bravante.

Napansin na lamang  nilang nahirapan sa pag­hinga si Bravante at na­wa­lan ng malay kaya di­na­la na nila sa nasabing ospital na ideklarang dead on arrival  habang inaresto sina Artates at De Castro. Boluntaryo namang sumuko sina Manarpies at Andales.

Lumilitaw sa  cursory examination  na nagtamo ng  hematoma sa magkabilang hita ang biktima bukod pa sa mga paso ng sigarilyo sa dibdib at kamay.

Samantala, pinasusuko na ng Quezon City Police District ang 20  iba pang sangkot sa hazing incident.

Lumalabas naman sa inisyal na imbestigas­yon na tinapon sa ilog sa nagtahan ang paddle na ginamit sa initiation rites ng Tau-Gamma Phi Fraternity.

vuukle comment

TAU GAMMA PHI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with