MANILA, Philippines — Niyanig ng lindol kahapon ng umaga ang ilang bahagi ng Luzon.
Batay sa update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagkaroon ng magnitude 5.0 lindol, alas-8:24 ng umaga sa Calaca, Batangas. Ang pagyanig ay naitala sa 13.89°N, 120.78°E – 005 km S 39° W ng Calaca, Batangas. May lalim itong 014 kilometer.
Bukod sa Batangas, naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite, Marinduque, Mindoro, Bulacan, at Quezon.
Sa ulat pa ng Phivolcs, naramdaman ang Instrumental Intensities na Intensity V–Lemery, Batangas; Intensity IV–Cuenca, Bauan, Sta. Teresita, and San Luis, Batangas; Tagaytay City, Cavite; Muntinlupa City, Metro Manila; Intensity III–Laurel, Batangas City, Batangas; Tagaytay City, Cavite; Dolores, Quezon; Intensity II–Talisay, and Rosario, Batangas; Magallanes, Cavite; Boac, Marinduque; City of Las Piñas, City of Pasay, Metro Manila; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Mauban, Polillo, and Gumaca, Quezon; Taytay, Antipolo, Rizal at Intensity I – Dinalupihan, Bataan; Malvar, Batangas; Malolos City, and Guiguinto, Bulacan; Ternate, Cavite; San Pablo, Laguna; Malabon City, Pateros, City of San Juan, City of Parañaque, Metro Manila; Abra De Ilog, and Mamburao, Occidental Mindoro; Lucban, Lucena City, and Alabat, Quezon; Tanay, Rizal.