Senior nahulog sa irigasyon, nalunod

MANILA, Philippines — Isang 62-anyos na lalaki ang nasawi matapos mahulog at malunod sa isang irigasyon, kahapon sa Brgy. Molino, Naic, Cavite.

Nakalutang at wala nang buhay nang matagpuan ang biktima na kinilalang si alyas, Mazo, 62, magsasaka at residente ng Block 16, Lot 33, Kristoffe Height B, Brgy. Molino ng nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:30 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa ilang residente ng lugar hinggil sa natagpuang katawan ng biktima na nakalutang sa nasabing irigasyon.

Sa pagsisiyasat ng pulisya may medical condition umano ang biktima at malamang na nadulas umano ito at tuluyang nahulog sa malalim na bahagi ng irigasyon at nalunod.

Show comments