^

Police Metro

P13 pasahe sa jeep, umpisa na ngayon

Angie dela Cruz - Pang-masa
P13 pasahe sa jeep, umpisa na ngayon
Inaasahan na ngayong Linggo, Oktubre 8 ang pagpapatupad ng P13 minimum fare para sa mga pampasaherong jeepney matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 provisional fare increase sa traditional at modern public utility jeepneys.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Ipatutupad na ngayong araw, Oktubre 8 ang P13 minimum fare para sa mga pampasaherong jeepney.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), epektibo alas-12:01 ng madaling araw ngayong Linggo ay umpisa na ang paniningil ng P1 taas-pasahe o P13 na minimum fare  sa lahat ng traditional at modern jeep mula sa dating P12 minimum na pasahe sa PUJ sa buong bansa.

Ang P1 taas pasahe ay inaprubahan ng LTFRB board noong nagdaang mierkoles upang maibsan kahit paano ang epektong dulot ng mataas na presyo ng petrolyo sa hanay ng mga operator ng mga passenger jeepney sa buong bansa.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na ang taas pasahe ay provisional fare increase lamang habang wala pa silang desisyon sa petisyon ng Transport groups  na P5 fare hike sa unang apat na kilometro at P1 taas sa succeeding kilometer.

Aniya kukunin nila ang pulso ng mga  conmuters group na isa sa pagbabasehan ng desisyon sa P5 fare hike petition.

Sa Nobyembre, sisimulan na rin ng LTFRB board ang pagdinig sa petisyon naman sa taas pasahe pa sa jeepney na P5.

FARE HIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with