Palawan Rep. Edward Hagedorn, pumanaw na

MANILA, Philippines — Pumanaw na kahapon si Palawan 3rd District Representative Edward Hagedorn sa edad na 76.

Batay ito sa anunsyo sa ka­niyang social media page at kumpirmasyon ng kaniyang opisina.

Wala namang detalyeng ibinigay sa kung ano ang iki­nasawi ng kongresista.

Wala rin detalye pang ibinigay ang pamilya tungkol sa burol at internment ng Palawan representative.

Nagpaabot ang Kamara ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni Edward Hagedorn.

Sa pahayag ni House Speaker Martin Romualdez, sinabi nito na para sa mga kasa­mahang mambabatas sa Kamara, hindi lang basta katrabaho si Hagedorn bagkus ay isa na ring kapamilya.

Hinikayat din ng lider ng Kamara na alalahanin at ipagbunyi ang mga legasiyang iniwan ng kongresista na magsisilbing insiprasyon sa marami.

Tinukoy nito ang pagiging kampeon ni Hagedorn para sa usapin ng kalikasan, turis­mo, agrikultura at kapa­yapaan.

Para sa House Speaker, isang karangalan at pribi­lehiyo na makatrabaho si Hagedorn.

Hinimok naman ni Ro­mualdez ang lahat na ipagdasal ang naiwang pamilya ni Hagedorn.

Show comments